Palibhasa'y sagana sa pagkain at nananalig sa tibay ng kanilang pader, hindi naligalig ang mga mamamayan doon sa paglusob nina Judas. Pinagtawanan pa nga nila sina Judas at nilait pati ang kanilang Diyos.