Lumakad sina Judas upang harapin naman si Timoteo. Halos isang milya pa lamang ang kanilang nalalakad mula roon nang salakayin sila ng isang pangkat ng mga Arabo na di kukulangin sa limanlibong kawal, bukod pa sa limandaang mangangabayo.