2 Macabeo 11:29-38 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. Ibinalita ni Menelao na nais na raw ninyong bumalik sa sariling tahanan at mamuhay ayon sa inyong kaugalian.

30. Kung gayon, ang lahat ng gustong umuwi bago dumating ang ikatatlumpung araw ng buwan ng Xantico ay aming pinahihintulutan.

31. Masusunod na ninyo ang inyong mga tuntunin sa pagkain at iba pang kautusan. Walang sinumang Judiong paparusahan dahil sa pagkakasalang nagawa niya dahil sa hindi niya alam na ito'y pagkakasala.

32. Si Menelao mismo ang isinugo ko sa inyo para ipaliwanag ang tungkol dito.

33. Hangad ko ang inyong ikabubuti. Sinulat ngayon, ikalabing limang araw ng buwan ng Xantico, taóng 148.”

34. Ang mga taga-Roma ay nagpadala rin ng liham sa mga Judio na ganito naman ang nilalaman: “Pagbati sa mga Judio, mula kina Quinto Memmio at Tito Manio, mga kinatawan ng Roma.

35. Pinapagtibay namin ang anumang ipahihintulot sa inyo ni Lisias na kamag-anak ng hari.

36. Pag-aralan ninyo ang mga kahilingan ninyo na ipinadala ni Lisias sa hari. Matapos ninyong mapag-aralan, ipadala ninyo agad sa amin ang inyong kapasyahan upang aming maipaglaban ang inyong kapakanan, sapagkat kami ay pupunta sa Antioquia.

37. Kaya huwag na kayong mag-aksaya ng panahon. Magpadala agad kayo ng mga sugong magbabalita sa amin ng inyong kapasyahan.

38. Hangad namin ang inyong ikabubuti. Ikalabing limang araw ng buwan ng Xantico, taóng 148.”

2 Macabeo 11