1. Dahilan sa mga pangyayari, may isang labis na nagalit at nagtangkang maghiganti. Ito'y si Lisias, bantay at katiwala ng hari at pinuno ng pamahalaan.
2. Nagtipon siya ng isang malaking hukbo na binubuo ng 80,000 sundalo, at ng lahat niyang kawal na nakakabayo. Sinalakay niya ang mga Judio. Nais niyang makuha ang Jerusalem upang gawing kolonya ng Griego ang lunsod na ito.
3. Kung magkagayon, sisingilan niya ng buwis ang Templo gaya ng ginagawa niya sa mga banal na dako sa ibang bansang kanyang nasakop, at taun-taon ay ipagbibili niya ang tungkulin ng Pinakapunong Pari.
4. Tuwang-tuwa siya sa dami ng kanyang sundalo, sa libu-libong mangangabayo at walumpung elepante. Hindi na niya binigyang-halaga ang kapangyarihan ng Panginoon.