2 Macabeo 10:3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Pagkatapos, nilinis nila ang Templo at nagtayo sila ng bagong altar. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, naghandog sila at tinupok ito ng apoy na mula sa kiniskis na bato. Nagsunog din sila ng insenso, nagsindi ng mga ilawan, at naglagay ng itinalagang tinapay.

2 Macabeo 10

2 Macabeo 10:1-12