19. Nangyari ito noong panahong bihagin sa Persia ang ating mga ninuno. Ang mga tapat na pari noong panahong iyon ay kumuha ng apoy sa altar at itinago ito sa isang tuyong balon nang walang nakakaalam.
20. Lumipas ang mga taon, at niloob ng Diyos na si Nehemias ay mapag-utusan ng hari ng Persia na hanapin ang nawawalang apoy na iyon. Mga salinlahi ng mga paring nagtago ng apoy ang isinugo ni Nehemias para hanapin ang nasabing apoy. Ibinalita nila sa aming wala nang apoy sa balon kundi putik lamang. Iniutos ni Nehemias sa mga pari na kumuha ng putik na iyon
21. at ibuhos sa handog sa altar at sa kahoy na kinapapatungan nito.
22. Ginawa nga nila ito, at paglitaw ng araw na noo'y natatakpan ng ulap, isang malaking siga ang sumiklab sa ibabaw ng altar. Namangha ang lahat sa kanilang nasaksihan.
23. Habang natutupok ang handog, pinangunahan sila ni Jonatan sa pananalangin at tumugon naman si Nehemias at ang mga tao.
24. “Ganito ang panalangin ni Nehemias:‘Panginoon naming Diyos, ikaw ang lumikha ng lahat ng bagay; kahanga-hanga ka, makapangyarihan, makatarungan at mahabagin. Ikaw lamang ang hari. Ikaw lamang ang mahabagin,
25. makatarungan at makapangyarihan. Ikaw ang walang hanggang tagapagligtas ng Israel. Ikaw ang humirang at nagpala sa aming mga ninuno.
26. Tanggapin mo ang handog naming ito para sa Israel. Ingatan mo at pabanalin ang iyong bansang pinili.
27. Tipunin mo po ang nagkawatak-watak na mga Judio, na inalipin ng mga Hentil. Kahabagan mo po ang mga kinamumuhian at inaapi, upang malaman ng mga Hentil na ikaw ang aming Diyos.
28. Parusahan mo ang labis na nagpapahirap sa amin at nagmamalaki pa sa pag-api sa amin.