2 Macabeo 1:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang mga Judio sa Jerusalem at Judea ay bumabati sa kanilang mga kababayan sa Egipto,“Hangad namin ang inyong lubos na kapayapaan!

2. “Pagpalain nawa kayo ng Diyos at alalahanin nawa niya ang kanyang tipan sa matatapat niyang lingkod na sina Abraham, Isaac at Jacob.

3. Bigyan nawa niya kayong lahat ng pusong masigasig sa pagsamba sa kanya at sa pagsunod nang buong puso at pagsang-ayon sa kanyang kalooban.

4. Tulungan nawa niya kayo na maunawaan ang kanyang mga utos, at pagkalooban nawa niya kayo ng kapayapaan.

5. Dinggin nawa ng Diyos ang inyong mga dalangin at patawarin ang inyong mga pagkakasala. Nawa'y huwag niya kayong hiwalayan sa panahon ng kahirapan.

6. Dito sa Juda, kayo'y aming idinadalangin ngayon.

2 Macabeo 1