1 Timoteo 5:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos.

5. Ang tunay na biyuda ay iyong nag-iisa na sa buhay, at tanging sa Diyos lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin sa araw at gabi.

6. Samantala, ang biyudang nabubuhay sa kalayawan ay maituturing nang patay.

7. Ipatupad mo sa kanila ang utos na ito upang walang maisumbat sa kanila ang sinuman.

8. Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di mananampalataya.

1 Timoteo 5