1 Timoteo 1:5-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya.

6. May ilang tumalikod sa mga bagay na ito at nalulong sa walang kabuluhang pakikipagdebate.

7. Nais nilang maging tagapagturo ng kautusan gayong hindi naman nila nauunawaan ang kanilang sinasabi at ang kanilang ipinagpipilitang ituro.

8. Alam naman nating ang Kautusan ay mabuti kung ginagamit sa tamang paraan.

9. Alalahanin nating ang Kautusan ay hindi ginawa para sa mabubuting tao, kundi para sa mga walang kinikilalang batas at mga kriminal, para sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga makasalanan, para sa mga lapastangan sa Diyos at walang hilig sa kabanalan, para sa mga mamamatay-tao at pumapatay ng sariling ama o ina.

1 Timoteo 1