1 Samuel 25:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Namatay si Samuel, at ang buong sambayanang Israel ay nagtipon upang magluksa. Inilibing nila ang kanyang bangkay sa kanyang tahanan sa Rama.Si David naman ay lumipat sa ilang ng Paran.

2. Sa Maon ay may isang taong mayaman. Malaki ang kanyang kawan sa Carmel. Mayroon siyang tatlong libong tupa at sanlibong kambing.

3. Nabal ang kanyang pangalan at buhat sa angkan ni Caleb. Ang asawa niya'y si Abigail. Ang babaing ito'y maganda at matalino ngunit si Nabal ay masungit at magaspang ang pag-uugali.

4. Minsan, nabalitaan ni David na ginugupitan ni Nabal ang kanyang mga tupa.

1 Samuel 25