10. Lahat ng lumalaban sa iyo ay manginginig sa takot;kapag pinapadagundong mo ang mga kulog.Hahatulan mo ang buong daigdig,at pagtatagumpayin ang hinirang mong hari.”
11. Si Elkana at ang buo niyang sambahayan ay umuwi sa Rama. Ngunit iniwan nila si Samuel upang maglingkod kay Yahweh sa pangangasiwa ng paring si Eli.
12. Ang dalawang anak ni Eli ay parehong lapastangan at walang takot kay Yahweh.
13. Wala rin silang galang sa regulasyon ng pagkapari. Tuwing may maghahandog, pinapapunta nila ang kanilang mga katulong habang pinapakuluan pa lang ang karne. May dala silang malaking tinidor na may tatlong ngipin