1 Samuel 13:20-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

20. Kaya ang mga Israelita'y sa mga Filisteo pa nagpapahasa ng kanilang araro, asarol, palakol at karit.

21. Mahal ang bayad nila sa pagpapahasa ng palakol o karit, at mas mahal pa para sa araro o asarol.

22. Kaya, sina Saul at Jonatan lamang ang may tabak; isa man sa mga kasamahan nila'y walang dalang patalim.

23. Samantala, binantayang mabuti ng mga Filisteo ang daanan papuntang Micmas.

1 Samuel 13