1 Pedro 5:11-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.

12. Sinulatan ko kayo sa tulong ni Silas, na isa nating kapatid at lubos kong pinagkakatiwalaan. Sa pamamagitan ng maikling sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at magpatotoo tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Manatili kayo sa pagpapalang ito.

13. Kinukumusta kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga pinili ring katulad ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, ang mahal kong anak sa pananampalataya.

14. Buong giliw kayong magbatian bilang magkakapatid kay Cristo.Ang kapayapaan ay sumainyong lahat na mga tagasunod ni Cristo.

1 Pedro 5