1 Mga Taga-Tesalonica 5:15-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.

16. Magalak kayong lagi,

17. palagi kayong manalangin,

18. at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

19. Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo.

20. Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos.

21. Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti.

22. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.

1 Mga Taga-Tesalonica 5