1 Mga Taga-Tesalonica 3:5-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Kaya nga, nang hindi na ako makatiis ay nagpadala ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ngayon ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala ako na baka nalinlang na kayo ng diyablo, at kung magkagayo'y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal.

6. Ngayon ay nakabalik na rito si Timoteo, at maganda ang balita niya tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at malaki ang pananabik na makita kami, gaya ng pananabik naming makita kayo.

7. Mga kapatid, dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo ay naaliw kami sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap.

1 Mga Taga-Tesalonica 3