1 Mga Taga-Corinto 5:9-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Sinabi ko sa aking sulat na huwag na kayong makisalamuha pa sa mga nakikiapid.

10. Hindi ang mga makamundong nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat para sila'y maiwasan kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito.

11. Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.

1 Mga Taga-Corinto 5