1 Mga Taga-Corinto 16:20-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

20. Kinukumusta rin kayo ng lahat ng kapatid dito.Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.

21. Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito.

22. Sumpain ang sinumang walang pag-ibig sa Panginoon! Marana tha—Dumating ka nawa, Panginoon namin!

23. Sumainyo nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesus.

24. Sumainyong lahat ang aking pagmamahal sa pangalan ni Cristo Jesus.

1 Mga Taga-Corinto 16