1 Mga Taga-Corinto 15:43-47 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

43. pangit at mahina nang ilibing, maganda't malakas kapag muling nabuhay;

44. inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit.

45. Ganito ang sinasabi sa kasulatan, “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay;” ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay buhay.

46. Ngunit hindi nauna ang panlangit; ang panlupa muna bago ang panlangit.

47. Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit.

1 Mga Taga-Corinto 15