1 Mga Hari 7:5-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Parihaba ang mga hamba ng mga pinto at bintana, at pawang magkakatapat.

6. Nagpagawa rin siya ng Bulwagan ng mga Haligi na dalawampu't dalawa't kalahating metro ang haba at labing-tatlo't kalahating metro naman ang luwang. Sa pagpasok nito ay may isang pasilyong may bubong.

7. Ang silid na kinalalagyan ng trono na tinatawag ding Bulwagan ng Katarungan at kung saan nagbibigay ng hatol si Solomon, ay may dingding, sahig at kisame na tablang sedar.

1 Mga Hari 7