1 Mga Hari 7:2-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang gusaling tinatawag na Gubat ng Lebanon ay may apatnapu't limang metro ang haba, dalawampu't dalawa't kalahating metro ang luwang at labing-tatlo't kalahating metro ang taas. Ang gusaling ito ay may apat na hanay ng haliging sedar, na siyang kinapapatungan ng mga bigang sedar.

3. Sedar din ang bubong ng mga silid na nakapatong sa apatnapu't limang haligi.

4. Tatlong hanay ang mga bintana, at ang mga ito'y magkakatapat.

5. Parihaba ang mga hamba ng mga pinto at bintana, at pawang magkakatapat.

6. Nagpagawa rin siya ng Bulwagan ng mga Haligi na dalawampu't dalawa't kalahating metro ang haba at labing-tatlo't kalahating metro naman ang luwang. Sa pagpasok nito ay may isang pasilyong may bubong.

1 Mga Hari 7