1 Mga Hari 22:44-47 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

44. Nakipagkasundo rin si Jehoshafat sa hari ng Israel.

45. Ang iba pang ginawa ni Jehoshafat, ang kanyang kagitingan, ang kanyang mga pakikipaglaban, ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.

46. Pinalayas niya ang mga lalaki at mga babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa mga sagradong lugar na natitira pa sa kaharian. Nakaligtas ang mga ito noong panahon pa ni Asa na kanyang ama.

47. Walang hari noon sa Edom; ang namamahala dito'y isang kinatawan ng hari ng Juda.

1 Mga Hari 22