1 Mga Hari 22:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Sinabi ng sugong pinapunta kay Micaya, “Iisa ang sinasabi ng lahat ng mga propeta: magtatagumpay ang hari. Ganoon din ang sabihin mo!”

14. Sumagot si Micaya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, kung ano ang sabihin niya sa akin, iyon din ang aking sasabihin.”

15. Pagdating niya sa harapan ng hari, siya'y tinanong, “Micaya, sasalakayin ba namin ang Ramot-gilead?”“Salakayin po ninyo at magwawagi kayo. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”

16. Ngunit siya'y muling tinanong ng hari, “Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na pawang katotohanan lamang ang sasabihin mo sa pangalan ni Yahweh?”

1 Mga Hari 22