1 Mga Hari 22:12-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Ganoon din ang sinabi ng iba pang propeta. Sabi nila, “Mahal na hari, salakayin po ninyo ang Ramot-gilead at matatalo ninyo sila. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”

13. Sinabi ng sugong pinapunta kay Micaya, “Iisa ang sinasabi ng lahat ng mga propeta: magtatagumpay ang hari. Ganoon din ang sabihin mo!”

14. Sumagot si Micaya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, kung ano ang sabihin niya sa akin, iyon din ang aking sasabihin.”

15. Pagdating niya sa harapan ng hari, siya'y tinanong, “Micaya, sasalakayin ba namin ang Ramot-gilead?”“Salakayin po ninyo at magwawagi kayo. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”

1 Mga Hari 22