1 Mga Hari 17:2-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias,

3. “Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan.

4. Maiinom mo ang tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.”

5. Sinunod nga ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan.

6. Umaga't hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain, at sa batis naman siya umiinom.

7. Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.

1 Mga Hari 17