17. Sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber,
18. Ismerai, Izlia at Jobab ay mga anak naman ni Elpaal.
19. Sina Jaquim, Zicri, Zabdi,
20. Elienai, Zilletai, Eliel,
21. Adaya, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei.
22. Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Eliel,
23. Abdon, Zicri, Hanan,
24. Hananias, Elam, Anatotias,
25. Ifdaya at Penuel.
26. Sina Samserai, Seharia, Atalia,
27. Jaaresias, Elias at Zicri ay mga anak naman ni Jeroham.
28. Lahat sila'y kabilang sa listahan ng mga angkan bilang pinuno ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Jerusalem.
29. Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca.
30. Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab,
31. Gedor, Ahio, Zequer
32. at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.
33. Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
34. Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica.