1 Mga Cronica 8:11-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Elpaal.

12. Ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed. Si Semed ang nagtatag ng mga lunsod ng Ono at Lod at mga nayon nito.

13. Anak din ni Elpaal sina Berias at Sema na mga pinuno ng sambahayan sa Ayalon. Sila ang nagpalayas sa mga mamamayan ng Gat.

14. Anak ni Beria sina Ahio, Sasac at Jeremot,

15. sina Zebadias, Arad, Adar,

16. Micael, Ispa at Joha.

1 Mga Cronica 8