36. anak ni Elkana na anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias. Si Zefanias ay
37. anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah. Si Korah ay
38. anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi na anak ni Israel.
39. Nasa gawing kanan ni Heman ang ikalawang koro, ang pangkat ng kapatid niyang si Asaf na anak ni Berequias na anak ni Simea.
40. Si Simea ay anak ni Micael na anak ni Baaseias na anak ni Malquias. Si Malquias ay
41. anak ni Etni na anak ni Zera na anak ni Adaias. Si Adaias ay
42. anak ni Etan na anak ni Zima na anak ni Simei. Si Simei ay
43. anak ni Jahat na anak ni Gershon na anak ni Levi.
44. Nasa gawing kaliwa naman ni Heman ang angkan ni Merari, sa pangunguna ni Etan na anak ni Quisi na anak ni Abdi na anak ni Malluc. Si Malluc ay
45. anak ni Hashabias na anak ni Amazias na anak ni Hilkias. Si Hilkias ay
46. anak ni Amzi na anak ni Bani na anak ni Semer. Si Semer ay
47. anak ni Mahli na anak ni Musi na anak ni Merari na anak ni Levi.
48. Ang kanilang mga kapatid na Levita naman ang inatasan sa iba pang gawain sa Templo.
49. Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang nangangasiwa sa pag-aalay sa altar ng mga handog na susunugin at sa altar ng insenso; sa gawain sa Dakong Kabanal-banalan at sa pagtubos sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.
50. Ito ang mga sumunod pang angkan ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finehas na ama naman ni Abisua;
51. si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias;
52. si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob;
53. at si Zadok na ama ni Ahimaaz.