1 Mga Cronica 6:24-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

24. Anak ni Asir si Tahat na ama ni Uriel, ama ni Uzias na ama ni Shaul.

25. Anak naman ni Elkana sina Amasai at Ahimot.

26. Anak ni Ahimot si Elkana na ama ni Zofar na ama ni Nahat.

27. Anak naman ni Nahat si Eliab na ama ni Jeroham na ama ni Elkana na ama ni Samuel.

28. Dalawa ang anak ni Samuel. Si Joel ang panganay at si Abija ang pangalawa.

29. Anak ni Merari si Mahli na ama ni Libni na ama ni Simei na ama ni Uza.

30. Anak naman ni Uza si Simea na ama ni Hagia na ama ni Asaya.

31. Ito ang mga lalaking pinamahala ni David sa mga awitin sa Templo ni Yahweh mula nang dalhin doon ang Kaban ng Tipan.

1 Mga Cronica 6