1 Mga Cronica 4:21-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3-4. Si Hur ang panganay ni Efrata na asawa ni Caleb at ang kanyang mga apo ang nagtatag ng lunsod ng Bethlehem. Tatlo ang anak na lalaki ni Hur: sina Etam, Penuel, at Ezer. Ang mga anak na lalaki naman ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Hazzelelponi ang pangalan ng kapatid nilang babae. Si Penuel ang nagtatag ng lunsod ng Gedor, at si Ezer naman ang nagtatag ng Husa.

21. Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda ay sina Er na nagtatag ng Leca, si Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang humahabi ng telang lino sa Beth-asbea.

22. Siya rin ang ama ni Joquim, at ng mga taga-Cozeba, gayundin nina Joas at Saraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik at nanirahan sa Bethlehem. (Napakatagal na ang mga pangyayaring ito.)

23. Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.

24. Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul.

25. Anak ni Saul si Sallum, at apo niya si Mibsan. Anak naman ni Mibsan si Misma.

26. Mga anak ni Misma sina Hamuel, Zacur at Simei.

27. Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit kaunti lamang ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.

28. Ito ang mga lunsod na tinirhan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-shual,

29. Bilha, Ezem, Tolad,

30. Bethuel, Horma, Ziklag,

31. Beth-marcabot, Hazar-susim, Beth-biri, at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David.

32. Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan,

1 Mga Cronica 4