1 Mga Cronica 26:18-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Sa malaking gusali sa gawing kanluran, apat sa labas at dalawa sa loob.

19. Ito ang mga pangkat ng mga bantay sa pinto mula sa mga angkan ni Korah at ni Merari.

20. Ang mga Levita sa pangunguna ni Ahias ang namahala sa kabang-yaman ng Templo at sa bodega ng mga kaloob sa Diyos.

21. Si Ladan na isa sa mga anak ni Gershon ay ninuno ng maraming angkan, kasama na ang pamilya ng kanyang anak na si Jehiel.

1 Mga Cronica 26