1 Mga Cronica 16:14-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Si Yahweh ang ating Diyos,nasa buong mundo ang kanyang mga utos.

15. Tipan niyang walang hangga'y hindi niya lilimutin,kahit libong salinlahi ito'y kanyang tutuparin.

16. Ang ginawa niyang tipan kay Abraham,pinagtibay kay Isaac ang pangakong sinumpaan.

17. Kay Jacob ibinigay, pinagtibay na kautusan,walang hanggang tipan sa Israel, ito ang nilalaman:

18. “Ang lupain ng Canaan sa iyo nakalaan.Ito'y isang pamana ko sa iyo at sa iyong angkan.”

19. Nang sila ay kakaunti pa at walang halaga,nangibang-bayan sila't sa Canaan nakitira.

20. Sa maraming bansa sila'y natatagpuan,nagpalipat-lipat sa iba't ibang kaharian.

21. Di hinayaan ng Diyos sila'y alipinin,mga hari'y binalaang huwag silang aapihin.

22. Sabi niya, “Huwag sasaktan ang bayan kong hinirang,ang mga propeta ko ay iyong igalang.”

1 Mga Cronica 16