1 Mga Cronica 13:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ngunit pagsapit nila sa giikan sa Quidon, natisod ang mga bakang humihila sa kariton kaya't hinawakan ni Uza ang Kaban ng Tipan upang hindi mahulog.

10. Dahil dito, nagalit sa kanya si Yahweh kaya't namatay siya noon din.

11. Nagalit si David dahil pinarusahan ng Diyos si Uza, kaya't ang lugar na iyon ay tinawag na Perez-uza mula noon.

12. Subalit natakot rin si David sa Diyos kaya't nasabi niya, “Paano ko ngayon iuuwi ang Kaban ng Tipan?”

1 Mga Cronica 13