1 Mga Cronica 12:9-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ang pinakapinuno nila ay si Eser at ang iba pa ayon sa pagkakasunud-sunod ay sina Obadias, Eliab,

10. Mismana, Jeremias,

11. Atai, Eliel,

12. Johanan, Elzabad,

13. Jeremias at Macbanai.

14. Ang mga ito'y mga opisyal ng hukbo na ang pinakamaliit na pinapamahalaan ay hindi bababâ sa isang daan at ang pinakamalaki ay isang libo.

15. Sila ang tumawid sa Ilog Jordan nang unang buwan na ito'y umaapaw at naging dahilan nang paglikas ng mga taong naninirahan sa silangan at kanluran ng kapatagan doon.

16. May iba pang mga tauhan mula sa mga lipi nina Benjamin at Juda na sumama na rin kay David.

17. Ang mga ito'y sinalubong ni David na nagsasabing, “Kung naparito kayo bilang mga kaibigan, tatanggapin ko kayo. Ngunit kung mga kaaway, kahit wala pa akong nagagawang karahasan, hatulan nawa kayo ng Diyos ng aming mga ninuno.”

1 Mga Cronica 12