42. Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran.
43. Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay Dinhaba.
44. Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.
45. Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya.
46. Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay isang taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Midian sa lupain ng Moab.