54. Nang ikalawang buwan ng taóng 153, iniutos ni Alcimo na wasakin ang pader ng bulwagan ng Templo na ipinagawa ng mga propeta. Ngunit bago pa lang sinisimulan ang pagsira
55. ay dinapuan siya ng karamdaman at natigil ang pagwawasak niyon. Hindi niya maibuka ang kanyang bibig at siya'y naging lumpo. Bunga nito, hindi siya makapag-utos ng anuman sa kanyang sambahayan.
56. Hindi nagtagal, namatay siya sa tindi ng hirap.
57. Nang mamatay na si Alcimo, bumalik na sa hari si Baquides. Mula noon, dalawang taóng natahimik ang Judea.
58. Sa pagkabigong ito, nagpulong ang mga taksil sa Kautusan. Sinabi nila, “Matatag at tahimik na ngayong namumuhay sina Jonatan at ang kanyang mga kasama. Kung tawagin natin si Baquides at ipalusob sila ngayon, tiyak na sa isang gabi lamang ay mabibihag silang lahat.”
59. Lumabas nga sila at nakipag-usap kay Baquides.
60. Sumang-ayon naman ito at lumakad kasama ang isang malaking hukbo. Lihim siyang nagpadala ng liham sa kanyang mga kapanalig sa buong Judea upang sabihin sa kanilang dakpin si Jonatan at ang mga tauhan nito. Ngunit nabigo ang balak na ito sapagkat natuklasan agad.
61. Sa katunayan, limampu sa mga nanguna sa masamang hangad na iyon ang nahuli nina Jonatan at kanilang pinatay.