1 Macabeo 9:50-54 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

50. Si Baquides at ang hukbo niya'y nagbalik sa Jerusalem. Nagpagawa siya ng matitibay na kuta sa buong Judea. Kabilang sa mga lunsod na tinayuan niya ng matataas na pader at matitibay na pinto ang mga sumusunod: Jerico, Emaus, Beth-horon, Bethel, Timnat, Paraton at Tefon.

51. Sa bawat lunsod na ito ay naglagay siya ng mga kawal na handang lumaban sa Israel.

52. Pinatibay rin niya ang muog at toreng bantayan ng lunsod ng Beth-sur, Gezer at Jerusalem. Nagtalaga rin siya ng mga kawal doon at nagtayo ng mga kamalig ng pagkain.

53. Ang mga anak ng mga pangunahing mamamayan ng bansa ay binihag niya at ikinulong sa kuta ng Jerusalem.

54. Nang ikalawang buwan ng taóng 153, iniutos ni Alcimo na wasakin ang pader ng bulwagan ng Templo na ipinagawa ng mga propeta. Ngunit bago pa lang sinisimulan ang pagsira

1 Macabeo 9