32. Hindi nalingid sa kaalaman ni Baquides ang bagay na ito, kaya ipinasya niyang patayin si Jonatan.
33. Ngunit ang masamang balak na ito'y nalaman din ni Jonatan at ni Simon na kanyang kapatid. Tumakas sila at nagtago sa ilang ng Tekoa. Doon sila humimpil sa tabi ng tipunan ng tubig sa Asfar.
34. Nalaman din ito ni Baquides nang Araw ng Pamamahinga. Isinama niya ang kanyang hukbo at tumawid sila sa Jordan.
35. Sa gitna ng malaking panganib na ito, inutusan ni Jonatan ang kanyang kapatid na si Juan upang pangunahan ang isang pangkat na makikipagkaibigan sa mga taga-Nabatea para pahintulutan silang ilagak doon ang marami nilang kagamitan.
36. Ngunit mula sa Medaba ay sumalakay ang mga Jambrita at dinakip si Juan at sinamsam ang ari-arian nito.
37. Makalipas ang ilang panahon, dumating sa magkapatid na Jonatan at Simon ang balitang ang mga Jambrita ay magdiriwang ng isang kasalan. Ang ikakasal ay isang prinsesa sa Canaan na maglalakbay mula sa Nadaba.
38. Nais ng dalawa na ipaghiganti ang pagkamatay ng kapatid nilang si Juan, kaya nagtago sila at ang kanilang mga tauhan sa isang bundok at nag-abang sa pagdaraan ng ikakasal.