1 Macabeo 9:27-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

27. Hindi pa nararanasan ng bansang Israel ang ganitong kahirapan mula noong panahong wala nang lumitaw na propeta sa Israel.

28. Ang mga kaibigan ni Judas ay lumapit kay Jonatan. Sabi nila,

29. “Mula nang mamatay ang iyong kapatid, wala pang nangahas sumalungat sa mga kaaway natin. Walang makaharap kay Baquides at sa mga bansang kumakalaban sa atin.

30. Ikaw ang aming napili na kapalit niya upang pangunahan kami sa pakikipaglaban sa mga kaaway.”

31. Tinanggap ito ni Jonatan, at mula noo'y siya na ang gumanap ng tungkuling naiwan ni Judas.

32. Hindi nalingid sa kaalaman ni Baquides ang bagay na ito, kaya ipinasya niyang patayin si Jonatan.

1 Macabeo 9