1 Macabeo 9:12-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Si Baquides ay sa kanang pangkat sumama. Ang lumulusob na pangkat ng kawal na lakad ay may kaagapay na mga mangangabayo sa magkabilang panig nila, at sabay-sabay na sumugod sa hudyat ng kanilang mga trumpeta. Ang panig ni Judas ay umihip din ng kanilang mga trumpeta.

13. Yumayanig ang lupa sa lakas ng sagupaan ng dalawang hukbo. Ang labanan ay nagsimula sa umaga at tumagal hanggang gabi.

14. Nakita ni Judas na si Baquides ay nasa gawing kanan, kasama ng tagapanguna ng kanyang hukbo,

15. kaya't ito ang pinag-ukulan niya nang puspusang pagsalakay. Ang pinakamatatapang niyang kawal ay dito niya iniharap at napaurong nila ang kaaway hanggang sa paanan ng bundok.

1 Macabeo 9