9. Tinangka ng mga taga-Grecia na salakayin sila at lipulin.
10. Ngunit natuklasan ito ng mga taga-Roma, at isa lamang heneral nila ang isinugo para lumaban. Sa magiting na pangunguna nito, tinalo ang mga kaaway at nabihag ang mga asawa't anak nila. Pinasok ng mga taga-Roma ang Grecia, sinamsam ang mga ari-arian, sinakop ang lupain, winasak ang mga tanggulan at inalipin ang mga mamamayan hanggang sa mga panahong ito.
11. Nawasak din at naging alipin nila ang lahat ng mga bansa at kahariang nagtangkang lumaban.
12. Ngunit sa mga kumakampi at umaasa sa kanila, sila'y nanatiling kaibigan. Walang haring di nila nalupig at ang makabalita nito'y natatakot sa kanila.
13. Sinumang gusto nilang maging hari ay tinutulungan nilang maging hari, at sinumang hari na gustong ibagsak ay ibinabagsak nila. Kaya kinilala ang kapangyarihan nila.
14. Sa kabila ng lahat ng ito, wala isa mang taga-Roma na nagtangkang magputong ng korona sa sarili at magsuot ng damit ng hari.