1 Macabeo 8:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Nabalitaan ni Judas ang lakas at tapang ng mga kawal ng Roma. Bantog na bantog sila at nagmamalasakit sa alinmang bansang maging kakampi nila.

2. Nabalitaan din ni Judas ang pakikipaglaban at paglupig nila sa mga taga-Galia, at ang pagpapabuwis sa mga ito.

1 Macabeo 8