1 Macabeo 7:40-42 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

40. Samantala, si Judas, kasama ang tatlong libong tauhan ay humimpil sa Adasa. Nanalangin siya ng ganito:

41. “Panginoon, nang lapastanganin ka ng mga isinugo ng hari, pinatay ng anghel mo ang 185,000 sa kanila.

42. Gayon din sana ang gawin mo ngayon sa hukbong kalaban namin para malaman ng lahat na pinarusahan mo si Nicanor dahil sa paglapastangan sa iyo.”

1 Macabeo 7