1. Noong taóng 151, naglayag si Demetrio na anak ni Seleuco mula sa Roma kasama ng ilang piling tauhan. Dumaong sila sa isang lunsod sa baybay-dagat at itinalaga ang sarili bilang hari.
2. Nang papunta na siya sa palasyo ng kanyang mga ninuno, dinakip ng mga kawal sina Antioco at Lisias para iharap sa kanya.
3. Ngunit nang ipagbigay-alam ito kay Demetrio, sinabi niya, “Ayokong makita ang mga taong iyan.”
4. Kaya't pinatay ang dalawa at naupo sa trono si Demetrio.
5. Ang pamamahala niya'y sinamantala ng masasamang loob. Sa pangunguna ni Alcimo na gustong maging Pinakapunong Pari,