1 Macabeo 6:54-56 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

54. Madalang na ang tao sa Templo. Nagkawatak-watak ang marami at ang iba nama'y nagsiuwi na dahil sa gutom.

55. Samantala, si Felipe na pinagkatiwalaan ng Haring Antioco na magturo sa kanyang anak at ito'y ihanda sa pagiging hari,

56. ay dumating mula sa Persia at Media, kasama ang hukbo ng namatay na hari. Balak niyang agawin ang pamahalaan.

1 Macabeo 6