1 Macabeo 5:38-40 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

38. Hindi ito nalingid sa kaalaman ni Judas kaya't nagsugo siya roon ng mga espiya. Ganito ang ulat nila: “Napakalaki ng hukbo nila, sapagkat sumama sa kanila ang mga Hentil sa palibot natin.

39. Bukod doon, umupa pa sila ng mga Arabo. Nagkampo sila sa kabilang ibayo ng ilog at naghahanda na sa paglusob.” Pagkabatid nito, lumabas agad si Judas upang harapin sila.

40. Nakita ni Timoteo si Judas at ang kanyang hukbo na tumatawid sa umaagos na ilog, kaya sinabi niya sa mga pinuno ng kanyang hukbo, “Kung sila ang unang tatawid, tiyak na tayo'y matatalo; hindi natin kaya ang lakas nila.

1 Macabeo 5