1 Macabeo 3:56-60 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

56. Ayon sa Kautusan, pinauwi niya ang mga bagong kasal, mga bago pa lamang nagtayo ng bahay o nagtanim ng ubasan, o kaya'y natatakot, at hindi na pinasama sa labanan.

57. Nang magawâ ito, ang kanilang hukbo ay lumabas at humanay sa timog ng Emaus.

58. Ito ang utos ni Judas: “Magpakalalaki kayo, at humanda sa paglaban. Bukas ng umaga, lulusubin natin ang mga Hentil na gustong pumuksa sa atin at magwasak ng ating Templo.

59. Mabuti pa ang tayo'y mamatay kaysa makitang wasak ang bansa at nilapastangan ang ating Templo.

60. Kung ano ang kalooban ng Diyos, iyon ang mangyayari!”

1 Macabeo 3