1 Macabeo 3:18-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. “Huwag kayong mag-alala,” tugon ni Judas. “Madaling talunin ng iilan ang marami. Ang pagliligtas ng Diyos ay hindi nababatay sa dami.

19. Ang tagumpay sa labanan ay hindi nasasalig sa laki ng hukbo, kundi sa lakas na nanggagaling sa langit.

20. Iba ang layunin nila ng paglaban. Ang taglay nila'y dahas at pagmamataas sa hangad na lipulin ang ating mga asawa't anak.

21. Ang ipagtatanggol naman nati'y ang ating buhay at ang ating kautusan.

22. Huwag kayong matakot. Tutulungan tayo ng Diyos sa paglupig sa kanila.”

23. At nilusob nila si Seron at ang hukbo nito. Nalito ang mga ito at nagsitakas.

24. Hinabol sila nina Judas pababa sa Beth-horon hanggang sa kapatagan. Walong daan ang napatay sa mga kaaway; ang iba'y tumakas patungo sa lupain ng mga Filisteo.

25. Bunga ng tagumpay na ito, si Judas at ang kanyang mga kapatid ay kinatakutan ng mga Hentil mula noon.

26. Nakaabot sa kaalaman ng hari ang pangyayaring ito at wala nang bukambibig ang mga Hentil kundi ang kahusayan ni Judas sa pakikipaglaban.

27. Nang malaman ni Haring Antioco ang nangyari, nag-alab ang kanyang galit. Tinipon niya ang lahat ng kanyang hukbong sandatahan.

1 Macabeo 3