1 Macabeo 3:10-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Sa ganitong kalagayan, bumuo si Apolonio ng isang malakas na hukbo. Tinipon niya ang mga Hentil, at mula sa Samaria, lumabas sila upang salakayin ang Israel.

11. Nang malaman ito ni Judas, nilusob niya at pinatay si Apolonio; nagapi niya ang hukbo nito. Marami ang napatay sa kanyang mga kaaway at ang mga walang sugat ay tumakas.

12. Marami silang nasamsam sa kaaway. Pati na ang espada ni Apolonio ay nakuha rin, at mula noon, ito na ang ginamit ni Judas Macabeo sa pakikipagdigma hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.

1 Macabeo 3