1 Macabeo 3:1-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pagkamatay ni Matatias, ang pumalit sa kanya bilang pinuno ay ang anak niyang si Judas na tinatawag ding Macabeo.

2. Lahat ng kanyang kasama ay nagkaisa sa pagkapili sa kanya. Dahil dito, masigla silang nakikipaglaban alang-alang sa Israel.

3. Ipinakilala niyang may dangal ang kanyang bayan.Tulad niya'y higante sa kanyang kasuotang bakal.Suot niya ay pandigma sa kanyang pakikilaban,sa tabak na kanyang hawak, hukbo niya'y pinangunahan.

4. Mabangis na leon ang kanyang nakakawangis, siya'y parang batang leon sa kanyang paninibasib.

5. Masasamang tao'y kanyang hinahanap at tinutugis;parusa niya ay sunugin ang sa baya'y nang-aapi.

6. Masasamang tao sa kanya'y pawang may takot,ang mga masasama, sa kanya'y di makakilos.Ang kaligtasang hatid niya sa lahat ay nakaabot, at lumaganap itong tunay sa lahat ng mga pook.

7. Mga hari'y nagngingitngit dahil sa kanyang paglaban,ngunit sambahayan ni Jacob sa tagumpay niya ay nasiyahan.Alaala niyang dakila'y pinupuri kailanman; lagi siyang ikinararangal at hindi malilimutan.

8. Sa mga lunsod ng Judakalaba'y kanyang pinuksa,Israel ay hinango niya at sa dusa'y pinalaya.

9. Sa lahat ng lugar ang pangalan niya'y dakila,ang mga pinagbabantaang patayin ay kanyang kinakalinga.

1 Macabeo 3