1 Macabeo 2:64-70 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

64. Mga anak, magpakatatag kayo, at patuloy ninyong ipagtanggol ang kautusan; kayo ay dadakilain sa pamamagitan nito.

65. “Si Simon ay ituring ninyong ama, kahit siya'y inyong kapatid. Ang anak kong ito ay marunong, kaya't siya ay inyong pakinggan lagi.

66. Si Judas Macabeo ay kilanlin ninyong puno ng hukbo. Siya'y mandirigma na mula pa sa pagkabata, at siya ang mangunguna sa inyong pakikidigma laban sa mga kaaway.

67. Tipunin ninyo ang lahat ng sumusunod sa Kautusan at ipaghiganti ninyo ang ginawang paglapastangan sa inyo.

68. Gumanti kayo sa mga Hentil dahil sa ginawa sa inyo, at tuparin ninyo ang isinasaad sa utos ng Diyos.”

69. Matapos basbasan ni Matatias ang kanyang mga anak, namatay siya.

70. Namatay siya noong taóng 146, inilibing sa Modein, sa libingan ng kanyang mga ninuno. Ang buong Israel ay nagdalamhati sa kanyang pagkamatay.

1 Macabeo 2